"Ang Simula ng Huli" (Script)


Scene 1
"Isang araw sa buhay ko,
Inutos ng tadhana na kailangan ko nang humakbang.
Humakbang palabas sa nakagisnan kong mundo na tila ako lamang ang nagiisang tao at di kabilang ang kahit na sino.
Hindi ko alam kung saan ako mguumpisa
At diko na ikinabigla dahil ito nga'y itinadhana.
Pero patuloy akong dinala sa lugar na kung saan ay matatagpuan ko pala ang ilan sa mga kayamanan ko
Pero pigil yung tuwa sa puso nang hindi ko inasahan ang nangyari.
Naalala nyo pa ba kung pano tayo nagsimula?
Sa pagbubukas ko ng pinto'y akala ko silid aralan lang ang naghihintay sakin
May nakipagkamay at may bumati ng malumanay
Kasabay ng pag upo ko ay naisip kong ganito pala ang pakiramdam ng walang atubili kayong lumapit, samut saring ngiti ang sakin ay tumangkilik.
Mabilis ang panahon, alam ng lahat yon"

Scene 2
"Dumating din noon sa punto na pumunta tayo sa isang lugar kung san tayo nagpasya
Kung anong ipanlalaman sating sikmura
Hanggang sa dumating yung isa,
Tawanang wagas dahil alam nating babalikan natin yun bukas
Tangan yung siomai na naging dahilan ng tawanan."

Scene 3
"Isama nadin natin yung dahilan ng madalas nating pagtitipon
Ano pa nga ba, edi yung panonood ng palabas habang may sarisariling posisyon"

Scene 4
"Naalala ko din pala nung unang beses na gumawa tayo ng group chat,
Nkakatuwa dahil kahit papaano ay iyon ang simula ng unti unting pagbuo sa samahan nating lahat."

Scene 5
"At eto pa, gumuhit ang mga ngiti sa ating labi na may kasamang biruan dahil tila wala na satin yung pagod at hirap nung may pagsusulit,
Hanggang sa mapansin natin tong si James na para bang wala sa sarili.
Sinilip natin yung papel at nakitang palyado yung marka kaya pala di maipinta yung muka
Pero nagawa parin natin syang mapatawa at sa isip nya siguro'y mapalad parin sya."

Scene 6
"May mga kalokohan din tayo na nagpabilis ng literal sa kabog ng puso ng mga tao,
Tipong lahat ay normal na aakyat ng hagdan hanggang sa biglang uupo at yung biktima e wala nang laban."

Scene 7
"Syempre di lang naman tayo nararamdaman sa panahong masaya lang
Natatandaan nyo pa ba noong unang beses na masaktan si CJ?
Sa mga ganoong sitwasyon mas kailangan maipadama yung tunay na kahulugan ng pagkakaibigan,
Kung saan daoat ay handa din tayong pagsakluban ng langit at lupa,
Dahil nangako din tayong mananatili lang at di hahayaang masaktan ang bawat isa,
At may kasunduan ding ang iyak ng isa ay iyak ng lahat,
Ang lungkot ay dapat saluhin pero kelangang itapon lang din."

Scene 8
"Napakabilis ng panahon
Ni hindi ko na din namalayan na malapit nang lumipas ang isang taon
Natatandaan ko pa non,
Magtatapos na ang marso,
Bago magkanya kanyang mundo ay nagtatag tayo ng mga pangako
Na sabay sabay tayo mageenroll,
Pero bakit ganto?
Nagkakaturuan at nagkakasisihan?
Ah, dahil may mga di tumupad sa usapan
May mga nauna, nahuli at sumunod din lang.
Hindi na tayo magkakaklase sa susunod na taon kaya naman may nagalit nang isa
Unti unting nadurog ang puso ko dahil ito ang unang beses na nakita ko ang lahat na nagtatalo talo.
Hindi tayo ganito.
Hindi tayo dapatt nagpapaapekto.
Pero bakit sa mga inis ninyo kayo nagpadala at hinayaan nyo akong nkatayo lang magisa?"

Scene 9
"Hanggang sa dumating na yung di natin inaasahang pangyayari
Nauwi sa sumbatan ang lahat
Isang maliit na pagkakamali ngayon ay tila napakalaki na ng tuluyan
Yung dating lambingan ngayo'y naging sigawan
Tama na. Tumindig na ko noon dahil diko na kaya.
Hindi naman tayo dapat magkaganito.
Bakit?
Bakit parang nakalimutan nyo na ang mga binitawang pangako?
Bakit parang di na tayo magkakakilala at tila ba may lamat na?"

Scene 10
"Nasasaktan ako, di dahil sa alitan kundi dahil sa pagkalimot
Nasasaktan ako, di dahil sa sigawan kundi sa mga sumunod pang nangyari."

Scene 11
"Tila ba parang nagbago ang lahat pagtapos ng mga sandaling iyon
Ang noo'y nayayakap kong kaibigan ay nakakawayan ko nalang ngayon.
Nasasaktan ako.. Pero alam kong hindi pa ito ang huli"

Scene 12
"Yung kaibigan na dating masaya akong makasalubong lagi,
Masaya na ngayon sa bagong ngiti na di pamilyar saakin.
Nasasaktan ako pero alam kong hindi pa ito ang huli."



Comments

Popular posts from this blog

Poem

Travelogue